Nagsagawa ang Department of Health–Drug Treatment and Rehabilitation Center (DOH-DTRC) Dagupan ng health education lectures tungkol sa Antimicrobial Resistance (AMR) at Proper Hand Hygiene mula Hulyo 8 hanggang 10, 2026.
Dinaluhan ang tatlong araw na aktibidad ng mga pasyenteng naka-enroll sa Outpatient Department (OPD), Aftercare Program, at Residential Program.
Batay sa ulat, itinuro sa mga kalahok ang responsableng paggamit ng antimicrobials at isinagawa ang demonstrasyon ng wastong paghuhugas ng kamay para maiwasan ang pagkalat ng mga impeksiyon.
Bahagi ang aktibidad sa pagdiriwang ng National Infection Prevention and Control (IPC) Week, alinsunod sa Proclamation No. 971 na nagdedeklara sa ikalawang linggo ng Hulyo bilang National IPC Week at sa ikalawang Sabado ng Hulyo bilang Surgical Infection Prevention Awareness Day. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










