Sitwasyon sa Manila North Cemetery, naging maayos at mapayapa ngayong buong araw

Masayang inihayag ng pamumunuan ng Manila Police District (MPD) na naging mapayapa at maayos ang sitwasyon dito sa Manila North Cemetery ngayong buong araw.

Inihayag ito ni PLt. Col. Ramon Solas na siyang Ground Commander Manila North Cemetery at Hepe rin ng MPD Station 3.

Alas-5:00 kaninang umaga binuksan itong Manila North Cemetery sa publiko at eksakto alas-4:30 ng hapon ng isara ang gate nito.


Ang mga hindi nakapasok ay umaalma at nagpupumilit pa rin na makadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, pero hindi na sila pinagbigyan.

Ayon kay Solas, ngayong araw ay umabot sa halos 46,000 ang nagtungo dito sa Manila North Cemetery.

Facebook Comments