
Agad na nag-disperse ang libo-libong raliyista sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, matapos ang pagtatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Sambayanan 2026 pasado alas-5:00 ng hapon ngayong Lunes, July 27.
Ayon kay BAYAN Secretary General Mong Palatino, umabot umano sa 15,000 ang pinakamataas na bilang ng mga raliyistang lumahok sa nasabing kilos-protesta.
Samantala, sinabi rin ni Palatino na magpapatuloy ang panawagan ng grupo para sa pananagutan hanggang sa Malacañang.
Pakinggan natin ang pahayag ni BAYAN Secretary General Mong Palatino.
Sa kabilang banda, didiretso umano sa Camp Karingal si Palatino kasama ang kanilang mga paralegal at iba pang miyembro ng grupo upang alamin ang kalagayan ng 51 raliyistang inaresto umano ng mga pulis.










