
Binigyan ng mataas na grado ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang naging talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA).
Sinabi ni Zubiri na 9 out of 10 ang rate na ibibigay niya sa speech ng pangulo.
Para sa senador, maganda ang SONA ni PBBM ngayong taon dahil umpisa pa lang ng talumpati nito ay natumbok na agad ang gustong marinig ng nakararami at ito ay magkaroon ng “big fish” na mapaparusahan sa maanomalyang flood control projects.
Binanggit ni Pangulong Marcos na nakaamba na ang patong-patong na kasong isasampa laban sa kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez.
Dagdag pa sa nagustuhan ni Zubiri ang binanggit ni PBBM na pagbaba sa singil ng kuryente na tiyak lahat ay makikinabang at malaking bagay ito sa mga consumers.










