Tuesday, July 28, 2026

SONA ni PBBM, tamang timpla at hindi “bola-bola” ayon kay ES Recto

Tamang timpla at hindi “bola-bola.”

Ganito inilarawan ni Executive Secretary Ralph Recto ang ikalimang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Recto, malaman ang naging talumpati ng Pangulo dahil malinaw nitong inilatag ang mga nagawa ng administrasyon at ang mga dapat pang gawin.

Patas din aniya ang naging ulat ng Pangulo at hindi rin ito pinalabis.

Inamin din ni Recto na hindi lahat ng nagawa ng pamahalaan ay naisama sa SONA dahil limitado ang oras. Aniya, hindi naman kailangang maging napakahaba ang talumpati.

Dagdag pa niya, isa-isang tinukoy ng Pangulo ang mga prayoridad ng pamahalaan upang madaling mabantayan ng publiko ang pagpapatupad ng mga ito.

Kasabay nito, sinabi ni Recto na nanawagan ang Pangulo na itigil na ang pamumulitika at pabilisin ang pagtatrabaho para sa kapayapaan at pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments