Tuesday, July 28, 2026

₱39.9-M halaga ng mga ebidensya ng ilegal na sigarilyo, nakumpiska sa Zamboanga at Davao Occidental

Nakumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa magkahiwalay na operasyon ang mga ebidensya ng ilegal na sigarilyo sa Zamboanga City at Davao Occidental.

Kung saan nakumpiska ang nasa kabuaang 371 master cases at 715 reams ng umano’y smuggled at ilegal na sigarilyo na tinatayang nasa 39.9 milyong piso ang halaga.

Bukod sa mga ito ay nakumpiska rin sa nasabing mga operasyon ang 3 mga sasakyan na binubuo ng 1 wingvan, closed van at minivan na ginamit sa pagbyahe ng mga nasabing produkto.

Naaresto naman ang 2 mga indibidwal dahil hindi sila makapagbigay ng mga kaukulang dokumento sa mga nasabing sigarilyo.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warnings Law at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Facebook Comments