
Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga pulis at katuwang na ahensya nito dahil sa mapayapa at maayos na pagdaraos ng State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahapon.
Ayon sa kanya, nagbunga ang lahat ng mga sakripisyo mula sa pagpaplano hanggang sa implementasyon sa mga hakbang pangseguridad hanggang matapos ang nasabing aktibidad.
Aniya, hindi mangyayari ito kung hindi rin dahil sa dedikasyon at sipag hindi lamang ng mga tauhan nito kundi pati ng mga katuwang nitong ahensya kagaya Armed Forces of the Philippines (AFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG) Bureau of Fire Protection (BFP), at Quezon City local government unit (LGU).
Kung saan ,ang nasabing mapayapang aktibidad ay nagresulta para matutukan ng taumbayan ang mga ulat ng Pangulo kaugnay ng kalagayan ng bansa.
Samantala, pinuri rin ni Nartatez ang mga grupong nagsagawa ng mga kilos-protesta dahil sa kanilang pakikipagtulungan at pagsunod sa mga alituntunin at regulasyong ipinatupad.










