Monday, July 27, 2026

Aksyon ng gobyerno sa lumalalang kalidad ng edukasyon at sitwasyon ng mga kabataan, dapat ilahat ni PBBM sa kanyang SONA

Umaasa si House Assistant Minority Leader at Kabataan Partylist Rep. Renee Co na isa sa pangunahing babanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang tugon sa lumalalang sitwasyon ng mga kabataan sa bansa.

Dismayado si Co na kada taon ay may pangako ang administraston na paunlarin ang kalagayan ng edukasyon ng kabataan na hanggang ngayon ay hindi natutupad at sa halip ay palala nang palala ang krisis sa edukasyon na dama ng bawat kabataang estudyante.

Binanatan din ni Co na wala pang tunay na napapanagot mula sa mga sangkot sa korapsyon habang patuloy na naghahabol ng pananagutan ang taumbayan.

Sa SONA ngayon ay irarampa naman ni Co ang kasuotan na may disenyong nilikha ni Sophia Cabugoy, mula sa Panday Sining UP Diliman at UP Artists’ Circle Sorority.

makikita sa painting sa damit ni Co ang tatlong kabataan na binubuo ng estudyante, manggagawa at magsasaka at kanilang nilalabanan ang agila na kumakatawan sa imperyalistang ameria at buwaya na kumakatawan naman sa mga korakot at kapitalista.

Sa likod ng saya ni Co ay nakapinta naman ang mga missiles, bumabagsak na mga pera at excavators na sumisimbol sa gyera, korapsyon at environmental plunder.

Facebook Comments