
Sa mensahe sa Philippine National Police (PNP) Press Corps ni DILG Secretary Jonvic Remulla, sinabi nito na susunod sila sa sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida.
Nabatid na kinumpirma ngayong araw ng DOJ na maaari nang ipatupad ang nasabing International Criminal Court (ICC) warrant.
Ayon kay Remulla, buong pwersa ng PNP ang ipagagalaw para sa nasabing pag-aresto kung saan ito ay binubuo ng nasa 225,000 na mga personnel.
Samantala, nauna nang inalerto ng PNP ang mga personnel ng Maritime Group at Aviation Security Group sa posibleng pagtatangkang pag-alis sa bansa ni Senator Dela Rosa.
Facebook Comments










