Thursday, May 21, 2026

Senador, malungkot sa pagtanggi ng Supreme Court na mag-isyu ng TRO sa arrest warrant ni Sen. Bato dela Rosa

Malungkot si Senator Robinhood Padilla sa pagtanggi ng Korte Suprema na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) para mapigilan ang pagpapatupad ng arrest order ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Bato dela Rosa.

Ayon kay Padilla, wala siyang ibang pwedeng maging reaksyon kundi ang malungkot.

Tumanggi naman si Padilla na magbigay linaw o sumagot sa tanong ng media ukol sa CCTV footages na inilabas ng Malacañang kung saan makikita na sabay sila lumabas ng senate building ni Dela Rosa noong madaling araw ng Huwebes, May 14.

Sinabi ng senador na nakita na ng media ang CCTV footages at hindi naman iyon AI o artificial intelligence.

Nang matanong kung walang iligal sa pagtulong kay Dela Rosa, sinabi lang ni Padilla na tandaan ang pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na hintayin ang warrant of arrest laban kay Dela Rosa mula sa local court.

Facebook Comments