Friday, June 12, 2026

Laban para sa kalayaan kabilang ang kontra korapsyon, nagpapatuloy pa rin — Chief Justice Gesmundo

“Ang bayang tunay na malaya ay makatarungan”.

Ito ang binigyang-diin ni Chief Justice Alexander Gesmundo ngayong ginugunita ang ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Kanina, pinangunahan ni Gesmundo ang flag raising at wreath laying sa Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas sa Angeles City, Pampanga.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Gesmundo na bagama’t nakamit na ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga mananakop ay nagpapatuloy pa rin ang laban para sa kalayaan sa iba’t ibang bagay.

Ayon kay Gesmundo, hindi sapat na makamit lamang ang kalayaan at mahalaga rin na ito ay pangangalagaan, palaguin, at gamitin para sa kapakinabangan ng nakararami.

Sinabi rin ng punong mahistrado na ang pagsusulong ng katarungan ay hindi lamang tungkulin ng mga hukom at abogado kundi ng bawat Pilipino sa kanilang pakikitungo sa kapwa at pakikilahok sa lipunan.

Samantala, ito na ang huling Independence Day ni Gesmundo bilang Chief Justice ng Korte Suprema bago magretiro sa darating na Nobyembre.

Facebook Comments