Thursday, June 18, 2026

BARADONG ILOG SA POZORRUBIO NA NAGDUDULOT NG PAGBAHA, NILINISAN

Nilinisan ang isang ilog sa Brgy. Batakil sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan matapos itong mabarahan ng putik, damo, at iba pang naipong debris na nagdulot ng pagkipot ng daluyan ng tubig at pagbaha sa lugar.

Ayon sa mga residente at lokal na opisyal, unti-unti umanong ng napuno ang ilog ng mga naipong lupa at halaman na nagresulta sa pagbagal ng agos ng tubig, lalo na sa tuwing malakas ang pag-ulan.

Dahil dito, ilang bahagi ng komunidad ang nakaranas ng pagbaha na naging dahilan ng panawagan para sa agarang aksyon.

Sa isinagawang clearing operation, gumamit ng heavy equipment ang mga kinauukulan katuwang ang barangay officials at mga boluntaryo para maalis ang bara at hukayin ang mga naipong putik at damo sa ilog.

Kaugnay nito, patuloy pang tinutukoy ng mga lokal na opisyal ang pangmatagalang solusyon sa muling pagbara ng ilog, lalo na ngayong tag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments