Ipinamalas ng 18-anyos na siklista na si Hurly Davidson Fernandez mula sa Barangay Batchelor East, Natividad ang kanyang bilis, tibay, at determinasyon upang tanghaling kampeon sa kauna-unahang Tour De Pangasinan – Padyak sa Kalayaan.
Sa pagdiriwang noong Araw ng Kalayaan, matagumpay niyang nalampasan ang iba pang 125 kalahok mula sa iba’t ibang distrito ng Pangasinan sa matinding karera na may kabuuang distansyang 143 kilometro.
Bukod sa pagiging overall champion, kinilala rin si Fernandez bilang Best Youngest Rider.
Samantala, nakuha ni Ronald N. Oranza ang 2nd place mula sa 5th District, habang 3rd place naman si Kenneth T. Maramba mula sa 4th District.
Ang mga nagwagi ay tumanggap ng mga tropeo at cash prizes bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagganap sa kauna-unahang Tour De Pangasinan – Padyak sa Kalayaan.
Naway makahikayat ang naturang torneyo ng pag asa sa ibang siklista na paghusayan ang pag iinsayo para sa susunod na taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments