Tuesday, May 26, 2026

LABINDALAWANG INDIBIDWAL, ARESTADO SA ANTI-ILLEGAL GAMBLING OPERATIONS SA PANGASINAN

Labindalawang indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operations sa Pozorrubio at Laoac, Pangasinan.

Sa Pozorrubio, tatlong suspek ang nahuli habang naglalaro ng ilegal na poker sa Barangay Poblacion District I. Nakumpiska ang baraha, pool table, cue sticks, fiber chips, at perang pangpusta.

Tatlo pa ang naaresto sa Barangay Bantugan dahil sa ilegal na larong Tong-its, kung saan nasamsam ang isang deck ng baraha at ₱2 bet money.

Samantala, anim na katao naman ang nahuli ng Laoac Police Station habang naglalaro ng Tong-its sa dalawang mesa sa Barangay Inmanduyan. Narekober sa operasyon ang dalawang set ng baraha at perang pangpusta.

Dinala sa kani-kanilang police station ang mga suspek at ebidensya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa P.D. 1602 o Illegal Gambling Law. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments