Nakiisa ang Police Regional Office 1 (PRO1) sa paggunita ng Eid Al-Adha ngayong Mayo 27, 2026 bilang pagkilala sa komunidad ng mga Muslim sa isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Islam.
Kilala bilang “Feast of Sacrifice,” sumisimbolo ang Eid’l Adha sa pananampalataya, pagsunod at pagsasakripisyo, bilang pag-alala sa kahandaan ni Prophet Ibrahim na sundin ang kagustuhan ng Allah.
Ayon sa PRO1, nagsisilbi rin itong paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa at paggalang sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon at kultura.
Nagpahayag din ng pagbati ang hanay ng pulisya sa kanilang mga kapatid na Muslim kasabay ng panawagang patuloy na pairalin ang pagkakaunawaan sa lipunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











