
CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyong isinasagawa ng mga kinauukulan matapos na isang sunog ang nangyari sa San Fermin, Cauayan City nitong ika-14 ng Hunyo partikular na sa opisina ng Department of Agrarian Reform.
Ayon sa PNP Cauayan, isang tawag ang kanilang natanggap matapos umanong makita ng security guard ang isang usok na nagmumula sa kanilang Legal Office habang ito ay nagsasagawa ng paglilibot sa kanilang compound.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan, nagsimula ang sunog sa kisame ng nabanggit na opisina.
Wala naman umanong signs na may arson o sinadya ang naturang sunog. Sa kabutihang palad ay mabagal ang pagkalat ng apoy kung kaya’t madali lamang itong naapula at minimal damage lamang ang naitala.