Sinimulan na ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Manaoag ang pamamahagi ng Hybrid at PhilRice Inbred Rice Seeds para sa wet season sa mga magsasaka sa bayan.
Ayon sa MAO, layunin ng programa na mabigyan ang mga rice farmer ng mga binhing maaaring gamitin sa kanilang pagtatanim para sa wet season bilang bahagi ng mga programang nakatuon sa produksyon ng palay sa lugar.
Pinangungunahan ng Municipal Agriculture Office ang nasabing aktibidad sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture, Philippine Rice Research Institute, at ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag.
Ayon sa mga opisyal, bahagi ang pamamahagi ng binhi sa mga programang ipinatutupad upang suportahan ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang input at teknolohiya para sa mga magsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








