
P33 million na budget lamang ang hiningi ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa Kongreso para sa susunod na taon.
Sa press conference sa Davao City kaugnay ng ginanap na 2025 Pasidungog ng Office of the Vice President (OVP), sinabi ni VP Sara na hindi na sila humirit ng malaking budget dahil alam naman nilang haharangin ito ng mga mambabatas.
Sinabi ni VP Sara na kailangan lamang nilang humirit ng P33 million na dagdag sa harap na rin ng mataas na inflation.
Magugunitang sa taong 2025 ay P700 million lamang ang inaprubahang budget ng Kongreso para sa OVP.
Facebook Comments