Tuesday, June 16, 2026

Umano’y salmonella outbreak sa National Center for Mental Health, inaalam na ng DOH

Sinusuri na ng Department of Health (DOH) ang ulat ng umano’y salmonella outbreak sa isang ospital sa Mandaluyong City.

Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Albert Domingo, inaalam na nila ito ngayon.

Batay sa isang social media post, nagkaroon umano ng outbreak sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Nasa 18 pasyento umano ang naapektuhan at nagpositibo rito na sinasabing nakuha mula sa pagkaing ibinibigay sa kanila.

Nakasaad pa sa alegasyon na may amoy na umano ang mga karneng ipinapakain sa mga pasyente ng Pavilion 19.

Ayon sa World Health Organization, nakukuha ang Salmonellosis mula sa Salmonella bacteria na nagdudulot ng lagnat, pananakit ng tyan, diarrhea, pagkahilo at minsang pagsusuka.

Facebook Comments