SOIL EROSION, NARANASAN SA SA BRGY. RAMOT, SANTOL, LA UNION; CLEARING OPERATION, ISINAGAWA

‎Agarang nagsagawa ng clearing operation ang mga awtoridad sa Barangay Ramot, Santol, La Union matapos ang insidente ng soil erosion na nagdulot ng pagbabara sa pangunahing kalsada ng barangay, kahapon, August 17, 2026.

‎Dahil sa pagguho ng lupa, pansamantalang naging hindi madaanan ng mga sasakyan ang pangunahing kalsada at naapektuhan ang daloy ng biyahe ng mga residente.

‎Nagtulungan ang mga pulis, mga opisyal ng barangay at lokal na residente upang alisin ang mga naipong lupa at debris sa kalsada.

‎Layunin ng isinagawang clearing operation na agad na maibalik ang ligtas na daanan para sa mga motorista at residente.

‎Mabilis rin ang naging pagtugon at paglilinis ng mga awtoridad sa nasabing daanan at unti-unting naibalik ang maayos na daloy ng trapiko sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments