LIBRENG SAKAY NG IFM DAGUPAN, UMARANGKADA NA!

Libre na, nanalo pa ng papremyo! – Yan ang naging kapalaran ng mga mananakay around Dagupan City kahapon, August 17, 2026.

Sa unang araw ng Libreng Sakay handog ng IFM Dagupan, RMN Networks, at Shield Bathsoap, galit sa sakit, may malasakit ay nabigyang serbisyo ang mga commuters na byaheng Dagupan Downtown Area to Bonuan Gueset at Bonuan Boquig.

Kasabay ng pag-ulan ay siya ring pagbaha ng blessings para sa mga naturang commuters dahil hindi lamang libreng sakay kundi panalo rin sila ng papremyo sa ating onboard games.

Sa simpleng larong Spin the Wheel, 100 na mananakay ang nanalo ng tig P150, tatlo ang nanalo ng tig 5 kilos na bigas, at ang ilan ay nahandugan ng ACS Gift Packs mula sa Shield Bath Soap.

Kaya pakaabangan ang susunod na araw, oras, at ruta ng ating Libreng Sakay dahil malay niyo, sa inyong lugar na bumyahe ang humaharurot sa papremyo ng ating iFM Dagupan’s Libreng Sakay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments