Monday, July 20, 2026

Umano’y banta sa seguridad ng Senado, iniimbestigahan na —Malacañang

Biniberipika na ng mga kinauukulang ahensya ang ulat tungkol sa umano’y banta sa seguridad ng Senado.

Ito ang kinumpirma ng Malacañang matapos sabihin ng ilang senador na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y security threat laban sa mataas na kapulungan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipinauubaya na sa mga kinauukulang ahensya ang pagbeberipika at pag-iimbestiga sa naturang ulat.

Nagbabala naman ang Malacañang na pananagutin sa batas ang sinumang mapatutunayang nasa likod ng anumang banta sa seguridad ng Senado, anuman ang kanilang posisyon o katayuan.

Facebook Comments