Inaasahang mapabubuti ang pressure at suplay ng tubig sa pitong barangay sa San Carlos City, Pangasinan sa pamamagitan ng isinasagawang pagpapalawak ng transmission line sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Ayon sa Hiraya Water Corporation–San Carlos City, isinasagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng San Carlos City Water District bilang bahagi ng pagpapahusay sa sistema ng distribusyon ng tubig sa lungsod.
Kabilang sa proyekto ang pagpapalawak ng transmission line sa sukat na 250 millimeters ang diyametro, na bahagi ng pag-optimize sa 15-MLD Guelew Surface Water Treatment Plant.
Layunin ng proyekto na mapataas ang water pressure, mapahusay ang availability ng tubig, at makatulong sa pagsisikap na makapagbigay ng 24-oras na suplay sa mga hilagang barangay ng lungsod.
Inaasahan ding makatutulong ang proyekto sa pagbawas ng Non-Revenue Water.
Kabilang sa mga inaasahang makinabang sa proyekto ang mga lugar sa Roxas Boulevard at Barangay Cacaritan, Pagal, Tandoc, Pangalangan, Quintong, at Mamarlao.
Nagpasalamat naman ang Hiraya Water Corporation sa pang-unawa at pagtitiis ng mga residente habang isinasagawa ang mga pagpapabuti sa sistema ng suplay ng tubig, gayundin sa patuloy na suporta ng mga lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








