Supplemental budget para sa rehabilitasyon ng Marawi City, isinulong ng liderato ng minorya sa senado

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang paglalaanan ng supplemental budget para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Giit ni Drilon, kailangan ng sapat na pondo para matiyak ang pagbangon ng lungsod sa oras na matapos na ang gulong hatid ng Maute terror group.

Ikinatwiran pa ni Drilon, na ang dagdag pondo ay pagpapakita din ng suporta sa tropa ng pamahalaan na patuloy na lumalaban sa mga terorista.


Facebook Comments