
Hinamon ni Kamanggagawa Party-list Rep. Eli San Fernando si bagong Labor Secretary Francis Tolentino na agad bumuo ng plano para matugunan ang mababang sweldo ng mga manggagawa sa bansa.
Giit ni San Fernando kay Tolentino, agad tulungan ang ating minimum wage and middle income earners sa gitna ng napakalubhang krisis.
Ayon kay San Fernando, mahalagang mailatag ni Tolentino ang policy direction ukol sa sweldo, contractualization, at mapang-aping provincial rate system.
Umaasa si San Fernando na sa ilalim ng liderato ni Tolentino, ang Department of Labor and Employment ay hindi magiging tagapagsalita ng mga malalaking korporasyon at sa halip ay maninindigan ito sa panig ng mamamayan na syang tunay na nagpapagalaw ng ekonomiya.
Facebook Comments










