Thursday, May 21, 2026

DILG, pinalalakas ang papel ng LGU sa Universal Health Care sa pamamagitan ng LINGAP Program

Pinalakas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng Local Initiative in Governance and Social Protection (LINGAP) Program.

Layunin ng programa na tulungan ang mga lokal na pamahalaan na mapabuti ang pagpapatupad ng social protection at health programs para sa mga Pilipino, lalo na sa mahihirap at vulnerable sectors.

Inilunsad ang LINGAP noong Nobyembre 2025 bilang bahagi ng “Leaving No One Behind” ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development.

Nakikilahok din ang DILG sa mga technical working group upang tugunan ang mga suliraning pangkalusugan gaya ng tuberculosis, cancer, at antimicrobial resistance.

Kasama rin ang iba’t ibang ahensya sa pagpapatupad ng mga polisiya para sa healthy learning institutions, telemedicine, at pagpapalakas sa barangay health workers.

Sa ilalim ng LINGAP, target ng pamahalaan na mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad at mga nangangailangang mamamayan

Facebook Comments