Tuesday, May 26, 2026

PRO2, bumuo na ng Special Investigation Task Group kasunod ng madugong pamamaril sa Sto. Tomas, Isabela

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Police Regional Office 2 kasunod ng madugong pamamaril na ikinasawi ng apat na indibidwal, kabilang ang isang barangay chairman at isang pulis, sa Barangay San Rafael Abajo, Sto. Tomas, Isabela, gabi noong May 24.

Ayon sa ulat ng pulisya, magkakasama ang mga biktima sa isang mesa sa isang piyesta nang mangyari ang insidente.

Apat pang indibidwal ang sugatan sa pamamaril na isinagawa ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, isang puting van at dalawang motorsiklo ang posibleng ginamit ng mga suspek bilang getaway vehicles.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang limang fired cartridge cases ng caliber 5.56mm at dalawang fired cartridge cases ng caliber .45.

Hinikayat ng pulisya ang publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang impormasyon kaugnay ng insidente.

Facebook Comments