Wednesday, November 25, 2026

TRAFFIC ENFORCER SA MANAOAG, ISINAULI ANG ₱1,700 NA MALING NAIPADALA SA KANYANG E-WALLET

Isinauli ng isang traffic enforcer sa Manaoag, Pangasinan ang halagang ₱1,700 matapos itong aksidenteng maipadala sa kanyang e-wallet account ng isang residente ng Cavite.

Ayon sa ulat ng Manaoag Traffic Operations Office, nagkamaling magpadala ng pera si Dennis Gloton, residente ng Maragondon, Cavite, sa E-wallet Account number na nakarehistro sa pangalan ni Traffic Enforcer Lester Jake Pagaduan.

Matapos matanggap ang pera, agad na gumawa ng paraan si Pagaduan upang maibalik ang nasabing halaga sa tunay na may-ari nito.

Nagpasalamat naman si Gloton sa enforcer sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala sa opisyal na Facebook page ng Traffic Operations Office. Pinuri rin niya ang katapatan at pagiging responsable ni Pagaduan.

Dahil sa insidente, kinilala ng tanggapan ang ginawa ng enforcer at binigyang-diin ang kahalagahan ng katapatan sa serbisyo publiko.

Patunay ang insidente na kahit sa simpleng pagkakataon, mahalaga ang pagiging tapat at paggawa ng tama, lalo na kung pera ng ibang tao ang pinag-uusapan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments