Suspek sa pagbaril-patay sa isang dalaga sa Andagao, Kalibo muling nahuli dahil sa mga dalang baril

19

Malinao, Aklan – Muli nanamang nahuli ang suspek sa pagbaril-patay sa isang dalaga sa Andagao, Kalibo dahil sa mga dala nitong baril kagabi sa Poblacion Poblacion, Malinao, Aklan. Ayon kay Police PLT David Rentillo Chief of Police ng Malinao PNP, na kagabi habang nagsasagawa sila ng roving patrol para sa implementasyon ng curfew bandang alas 9:15 ay nakasalubong nila ang isang motoriklo at kanilang pinara. Ang driver ng motorsiklo ay nakilalang si Franklin Ningal, 33-anyos at meron itong backrider na nakilala kay Ranie Vicente, 35- anyos lahat residente ng Brgy. Bulabod, Malinao. Habang iniimbestigahan ang mga ito kung bakit nasa labas pa gayong curfew hour na ay nakita ng mga pulis ang isang paper bag dahilan para tingnan kung ano ang laman at doon nakita ang dalawang baril na isang 38 revolver smith (6) holes loaded ng 6 na live ammunition, isang 45 pistol with 7 ammunition (1) chamber load (29) 9mm live ammunition at dalawang unit ng cellphone. Kung matandaan si Ranie Vicente ay suspek sa pagbaril-patay kay Nadine Faith Medina noong Agosto 21, 2020 sa Brgy. Andagao, Kalibo na nasampahan na rin ng kaso kaso pero naka piyansa ito para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa ngayon ay kulong ang dalawa at nakatandang sampahan ng kaso.

Facebook Comments