Taas-presyo sa produktong petrolyo, ipapatupad bukas

122

Magpapatupad ng taas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.

Batay sa abiso ng Cleanfuel, Petro Gazz, Pilipinas Shell, at Seaoil Philippines magtataas sila ng P0.75 sa kada litro ng gasoline, P1.10 sa kada litro ng diesel, at P0.90 sa kada litro ng kerosene.

Ipapatupad ng Petro Gazz, Pilipinas Shell at Seaoil Philippines ang taas-presyo ng alas-6:00 ng umaga habang ang Cleanfuel ay mauuna ng alas-4:01 ng madaling araw.


Wala namang magiging pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Facebook Comments