Tuesday, August 11, 2026

Rebelasyon ni Cong. Sandro sa umanoy power struggle noong 2022, hindi direktang kinumpirma ng PBBM; pero ang pangulo, hindi raw pinalaking sinungaling ang kaniyang anak

Hindi kinumpirma o itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga detalye sa ibinunyag ng kanyang anak na si House Majority Leader Sandro Marcos tungkol sa umano’y paghingi ng kontrol sa mahahalagang posisyon sa gobyerno kapalit ng suporta sa kanyang presidential bid noong 2022.

Sa isang panayam, sinabi ni Cong. Sandro na kabilang sa mga hinihinging posisyon ang executive secretary, House speaker, Senate president at cabinet posts.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nang tanungin niya ang pangulo tungkol sa pahayag ni Sandro, sinabi lamang nitong maayos niyang pinalaki ang kanyang anak at hindi ito magsisinungaling.

Hindi rin tinukoy ng pangulo kung sino-sino ang tatlong taong binanggit ni Cong. Sandro na umano’y humarap sa kanila sa Malacanang at naglatag ng mga kondisyon.

Power struggle aniya ang nakikita ng Presidential Communications Office (PCO) ang sa likod nito para magkaroon ng kontrol sa pangulo.

Facebook Comments