Sa kanyang talumpati, ipinunto ni Congressman Mark Cojuangco na nauna nang tinalakay ang plano sa dating pamunuan ng DPWH Region 1 ngunit tila bigo umanong maendorso sa bagong opisyal matapos ang reorganization ng tanggapan.
Inilahad na nasa 9 million na benepisyaryo ang makikinabang sa itatayong paliparan mula sa Region 1, 3, Baguio City, maging sa Western Nueva Ecija at Northern Zambales.
Ang proyekto ay maisasakatuparan sa pakikipag-ugnayan sa Korean Government habang inatasan naman ang pamahalaan sa pag-aasikaso ng right of way na aabot sa 200 ektarya.
Ayon sa mambabatas, aabot sa P750 milyon ang budget na nakapaloob sa Deparmtent of Transportation.
Bukod sa paliparan, ilan pang proyektong imprastraktura ang panukalang unahin sa ikalawang distrito tulad ng PCG Sub-station, nuclear power plant, at bypass roads sa mga bayan ng Bugallon, Aguilar at Mangatarem. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







