Nagsagawa ng surprise visit ang mga opisyal ng lungsod sa Material Recovery Facility (MRF) ng Brgy. Bonuan Gueset bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng waste management program sa siyudad.
Kasama sa isinagawang inspeksyon ang barangay council sa pangunguna ni Kapitan Noel Bumanglag, mga kinatawan ng Waste Management Division (WMD) sa ilalim ni Chief Bernard Cabison, at si Gil Aromin upang personal na makita ang kalagayan at operasyon ng pasilidad.
Sa pagbisita, nakita ang maayos na pagbubukod ng iba’t ibang uri ng basura tulad ng food waste, biodegradable materials, plastik, karton, bote, salamin, at segregation area sa loob ng MRF.
Bilang karagdagang suporta ng lungsod, nagbigay rin ng pitong garong na makatutulong sa koleksyon at mas maayos na segregasyon ng basura sa barangay.
Ayon sa mga opisyal, ika-17 barangay na ito sa kabuuang 31 barangay ng lungsod na kanilang nabisita upang tiyakin ang maayos na implementasyon ng waste management practices.
Binibigyang-diin naman ng lokal na pamahalaan na mahalaga ang maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng bawat barangay at residente upang mapanatiling malinis at organisado ang pamamahala ng basura sa buong siyudad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








