Monday, June 1, 2026

SEARCH AND RESCUE EQUIPMENT, SINURI BILANG PAGHAHANDA SA TAG-ULAN AT POSIBLENG EPEKTO NG HABAGAT SA DAGUPAN CITY

Bagama’t walang direktang banta ng bagyo sa Dagupan City, pinaghahanda pa rin ng mga awtoridad ang mga residente sa posibleng epekto ng tag-ulan, lalo na ang pagbaha.

Ito ay matapos magsagawa ng inspeksyon ang Dagupan City Police Office (DCPO) sa kanilang mga search and rescue equipment noong Mayo 30 para sa posibleng epekto ng pinalalakas na Habagat ng Tropical Storm Domeng sa Luzon .

Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ni PLTCOL Roldan Suitos, Chief City Community Affairs and Development Unit (CCADU) at City Operations Management Unit, handa na ang kapulisan tumugon sa maaaring epekto ng tag-ulan sa lungsod.

Ayon sa PAGASA, hindi umano inaasahang magla-landfall sa bansa ang Tropical Storm Domeng at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hunyo 1 pero pinalalakas umano nito ang Habagat na maaaring magdulot ng mga pag-ulan.

Bukod dito, hinikayat din ng DCPO ang mga residente na makiupdate sa mga weather advisories. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments