
Ipina-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 4 na indibidwal sa kaugnay ng imbestigasyon ng bureau sa sinasabing pagtakas ni Senador Ronald dela Rosa.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, kabilang sa kanilang pinahaharap sina suspended acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca at Pasay Police Chief Col. Joselito de Sesto.
Kasama rin ang tiyuhin ni Senador Robin Padilla na si Virgilio Cariño at kanyang deputy chief of staff na si Jean Robles.
Pinasisipot ang apat sa tanggapan ng NBI sa Pasay City ngayong linggo.
Facebook Comments










