
Magpapadala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng high-level coordination team upang tutukan ang pagbabalik sa Pilipinas ni dating kongresistang si Zaldy Co na nananatili sa kustodiya ng Czech Republic.
Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang Department of Justice at Department of Foreign Affairs (DFA) na pangunahan ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Czech Republic upang masiguro na maayos at naaayon sa batas ang buong proseso.
May sinusunod aniyang legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa kaya kinakailangan ng sapat na panahon upang maisagawa ito nang tama.
Tiniyak naman ng pangulo na maibabalik sa bansa si Co upang managot sa sambayanang Pilipino.
Pakinggan natin ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos.
Facebook Comments










