Sa Asingan, naaresto ng Asingan Police Station ang isang 65 anyos na lalaki na nahaharap sa kasong falsification of public document sa ilalim ng Article 172 kaugnay ng Article 171 ng Revised Penal Code. Nakasaad sa warrant of arrest na may inirekomendang piyansang P36,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Samantala, nadakip naman ng Calasiao Municipal Police Station ang isang 19 anyos na lalaki mula sa Dagupan City dahil sa kasong acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code. May inirekomendang piyansang P36,000 para sa nasabing kaso.
Sa San Fabian naman, arestado ng San Fabian Police Station ang isang 42 anyos na lalaki na nahaharap sa kasong qualified theft. Nakasaad sa warrant of arrest na may inirekomendang piyansang P40,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang mga akusado habang sumasailalim sa kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






