Wednesday, May 13, 2026

PBBM, walang espesyal na direktiba sa kaso ni Sen. Bato dela Rosa

Nagpaalala ang Malacañang sa lahat ng law enforcement agencies na sundin lamang ang batas kaugnay International Criminal Court (ICC) arrest warrant ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakarating na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nakarating na ang mga development sa kaso ni Dela Rosa pero wala pa umanong espesyal na direktiba kaugnay nito.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng Malacañang ang Senado na huwag lalampas sa kapangyarihang ibinibigay ng batas.

Ito’y matapos mabanggit ang posibilidad ng constitutional crisis kung gagawing “sanctuary” ng Senado si Dela Rosa upang maiwasan ang posibleng pag-aresto.

Facebook Comments