Hindi lamang sa mga pangunahing lansangan kundi maging sa mga kalsada ng bawat barangay sa Alaminos City isinusulong ang mas malawak na pagpapatupad ng pagsusuot ng reflectorized vest bilang hakbang upang mapataas ang kaligtasan ng mga motorista.
Sa ilalim ito ng panukalang Ordinance No. 020-2026 na tinalakay sa isinagawang public hearing noong Nobyembre 17.
Nakasaad sa panukala, saklaw ng pagsusuot ng high-visibility reflectorized vest ang mga nagmamaneho ng motorsiklo, traysikel, bisikleta, e-bike, e-quad at mga makinaryang pang-agrikultura.
Bahagi ito ng pagpapalawak sa antas ng barangay ang pagpapatupad ng Provincial Ordinance No. 325-2024 upang mas mabigyang-proteksiyon ang mga gumagamit ng kalsada, partikular sa gabi at sa mga lugar na kulang sa ilaw.
Dumalo sa pagdinig si Planning Officer I Manibel Balgua, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sa pamamagitan ng panukalang ordinansa, inaasahang higit na mabibigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging visible ng mga motorista upang makatulong na maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.
Patuloy namang tinatalakay ang panukala bilang bahagi ng pagsusulong ng mas ligtas at responsableng paggamit ng mga kalsada sa buong lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












