Peter Lim, personal na nagsumite ng counter affidavit sa Department of Justice

Manila, Philippines – Bago mag-alas tres ngayong hapon dumating sa Justice Department si suspected drug lord Peter Go Lim.

Kasama ng kanyang mga abogado, naghain ng counter affidavit si Lim matapos itong bigyan ng DOJ ng hanggang ngayong hapon para personal na magsumite ng kanyang kontra-salaysay.

Iginiit ni Lim na inosente siya at hindi aniya iligal na droga ang kanyang negosyo.


Sinabi pa ni Lim na kung guilty siya sa drug trade ay hindi sana siya makikipagkita kay Pangulong Duterte.

Una nang nabigo si Lim na humarap sa preliminary investigation ng Justice Department kaninang umaga kung saan mga abogado lamang nito ang sumubok na maghain ng kanyang counter affidavit subalit hindi ito tinanggap ng DOJ prosecutors.

Facebook Comments