
Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang mga operasyong pangseguridad nito sa mga pangunahing pamilihan na inaasahang dadagsain ng mga mamimili para sa pagbabalik-eskwela.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., inaasahan na nila ang maagang pamimili dahil sa naging adjustment sa calendar ng Department of Education (DepEd).
Kung saan nakapagtala na ng mas maagang pagdami ng mamimilling magulang at estudyante na bumibili ng mga gamit sa paaralan kagaya na lamang sa mga shopping district gaya ng Divisoria, Quiapo–Recto–Sta. Cruz, Baclaran sa Parañaque, Greenhills sa San Juan, at mga pangunahing supermall sa Metro Manila at iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Nartatez, nasa kabuuang 55, 507 ang mga personnel na ipakakalat para sa pagtitiyak ng seguridad kaugnay ng pagbabalik eskwela.
Kung saan ang higt 28 libo rito ay mula sa PNP, mahigit 4 na libo sa iba pang units at mahigit 22 libo ay mga force multipliers.
Samantala,nakikipag-ugnayan na din ang pulisya sa mga opisyal ng Barangay at mga security team ng mga malls para sa maayos na daloy mga tao at sa mabilis na pagresponde sa anumang insidente.










