Teroristang Maute, nasa desperadong kondisyon na ayon sa AFP

Manila, Philippines – Nasa desperadong kondisyon na ang teroristang grupo na Maute sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla kasunod ng report pinapalaban na ng Maute sa front line ang na-recruit na mga bata.

Nabatid na na-corner na ng militar ang maute sa 500 square meter area sa war zone.


Pinaniniwalaang buhay pa rin at nasa Marawi ang magkapatid na Maute at si Isnilon Hapilon.

Facebook Comments