
Ngayong araw inaasahang magbibigay ng impormasyon ang Department of Justice (DOJ) sa pagbisita sa Czech Republic kaugnay sa sitwasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Sinabi kasi ni Justice Secretary Eric Vida na ngayong Lunes sila nakatakdang makipagpulong sa mga kinatawan ng Ministry of Justice ng naturang bansa.
Alas-otso ng gabi oras dito sa Pilipinas inaasahang magaganap ang pagpupulong kung saan itatanong dito kung nasaan si Co at kung ano ang kaniyang estado.
Kabilang na rito kung may nakabinbin na aplikasyon ang dating kongresista para sa political asylum.
Bago niyan, nakausap na rin daw ng kalihim ang ilang opisyal ng law enforcement agencies ng Czech Republic.
Pero sa ngayon, wala pa raw katiyakan kung gaano katagal bago nila maiuuwi si Co.










