TERROR ATTACK | Panibagong breakthrough sa pagkilala sa mga namatay sa 9-11 attack, inaasahang ihahayag

71

Inaasahang makikilala na ang iba pang biktima ng 9/11 terror attack sa New York sa Amerika.

Kasabay ng paggunita ng ika-17th anibersaryo ng malagim na pag-atake ng Al-Qaeda Extremists sa Twin Tower ng World Trace Center, nakatakdang ihayag ng mga eksperto ang scientific breakthrough sa pagkuha ng genetic material mula sa ground zero.

Mula sa halos tatlong libong nasawi, nasa isang libo pa ang hindi nakikilala.

Samantala, nakalatag na ang seguridad para sa paggunita ng 9/11 terror attack sa ground zero.

Binuksan na rin ang subway station sa New York City makaraang masira sa pag-atake noong 2001.

Facebook Comments