TINUTUTUKAN | Mga operatiba ng EPD, binabantayan ang mga evacuees sa Pasig, San Juan, Marikina at Mandaluyong City

18

Manila, Philippines – Tinututukan ngayon ng mga tauhan ng EPD ang mga Evacuees na nananatili pa rin sa mga Evacuation Center sa Marikina, Pasig San Juan at Mandaluyong City para matiyak na magiging maaayos ang pamamahagi ng mga relief goods.

Base sa monitoring ng EPD, 20 mga kabahayaan ang winasak ng bagyong Ompong habang 37 mga Evacuation Center ang kanilang tinututukan kabilangang Pasig na mayroon-3 Evacuation Center ang Ilaya Covered Court Brgy. Santolan sa Pasig City, Estella Mariz Covered Court sa Brgy Maybunga Pasig City, Rosario elementary School sa Brgy. Rosario Pasig City na mayroong 28 pamilya o katumbas ng 155 individuals, sa Mandaluyong-13 sa Marikina-18 sa San Juan City habang sa Pasig City ay 18 Families o 155 individual ang kanilang binabantayan habang sa Marikina City ay 3,522 Families o katumbas ng 15,594 Individuals kung saan dalawa ang naitalang nasugatan lamang sa hagupit na bagyong Ompong.

Base naman sa monitoring ng Rescue 161 ng Marikina normal naman ang water level sa Marikina river na nasa 14 meters lamang

Facebook Comments