TIRE REPAIRMAN SA ASINGAN, SUMUBOK SA PNP RECRUITMENT

Isang vulcanizer mula sa Barangay Bantog, Asingan ang sumubok na tuparin ang pangarap na maging pulis matapos sumailalim sa initial screening at preliminary interview ng Philippine National Police o PNP.

Kinilala ang aplikante na si John Michael, isang Criminology graduate mula sa Urdaneta City University. Kabilang siya sa 11 aspiranteng naghangad na makapasok sa hanay ng kapulisan sa ilalim ng kasalukuyang recruitment process.

Ayon kay John Michael, nais niyang maging pulis upang makabawi sa sakripisyo ng kanyang mga magulang at makapaglingkod sa komunidad. Bata pa lamang umano siya nang magsimula siyang magtrabaho bilang vulcanizer para makatulong sa kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang recruitment ng PNP sa ilalim ng Attrition Recruitment Program, kabilang ang mga aplikante mula sa Region 1 na may nakalaang quota para sa naturang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments