SERBISYONG PANGKALUSUGAN, INILAPIT SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BONUAN BINLOC

Patuloy ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Barangay Bonuan Binloc sa pamamagitan ng home visit, postpartum visit at iba pang programang pangkalusugan na isinagawa ng mga barangay health frontliners.

Sa isinagawang aktibidad, isang pasyente ang nabigyan ng home visit para sa UMB, habang apat na ina naman ang napagkalooban ng postpartum care at monitoring.

Naghatid din ang health team ng mga serbisyo sa ilalim ng Family Planning Program, Bukod dito, isinagawa rin ang Bantay Presyon at Fever and Rash Surveillance upang masubaybayan ang kalagayan ng kalusugan ng mga residente at matukoy agad ang mga posibleng karamdaman.

Hinihikayat naman ang mga residenteng nangangailangan ng home visit na makipag-ugnayan sa kanilang mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS) o Barangay Population Workers (BPWs) upang mapagkalooban ng kaukulang serbisyong pangkalusugan.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na inilalapit ng Barangay Bonuan Binloc ang serbisyong medikal at pangangalagang pangkalusugan sa bawat tahanan tungo sa isang mas malusog at ligtas na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments