WANTED SA KASONG THEFT, TIMBOG SA OPERASYON NG MANGATAREM POLICE

Arestado ang isang lalaking wanted person sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Theft sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Mangatarem Municipal Police Station (MPS) noong Oktubre 4, 2026.

Pinangunahan ng Mangatarem MPS ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. May inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱10,000 para sa pansamantala nitong kalayaan kaugnay ng kinakaharap na kaso.

Ayon sa kapulisan, bahagi ang matagumpay na pag-aresto sa patuloy na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga wanted person at sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan at suportahan ang mga programa nito tungo sa isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments