TOP 1 MOST WANTED SA POZORRUBIO, ARESTADO

‎Naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang Top 1 Municipal Most Wanted Person ng bayan ng Pozorrubio sa isinagawang magkasanib na operasyon ng mga yunit ng pulisya noong Hulyo 6, 2026.


‎Kinilala ng pulisya ang suspek bilang isang 18 anyos na babae na nahaharap sa kasong carnapping. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na may inirekomendang piyansang ₱300,000.

‎Pinangunahan ng Pozorrubio Municipal Police Station ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Regional Intelligence Unit 1 (RIU1) ng Police Regional Office 1, Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Pangasinan PPO, at Highway Patrol Group (HPG) ng Pangasinan PPO.

‎Ayon sa pulisya, ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatang naaayon sa Konstitusyon bago siya dinala sa Pozorrubio Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasailalim sa korte na naglabas ng warrant.

‎Tiniyak naman ng Pangasinan PPO sa publiko na magpapatuloy ang pinaigting nitong kampanya laban sa mga wanted person upang mahuli ang mga nagtatago sa batas at higit pang mapalakas ang seguridad sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments