Thursday, August 20, 2026

Dalawa, arestado sa ilegal na “paihi” ng produktong petrolyo sa Isabela Province

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ang dalawang inidibidwal sa ikinasang operasyon sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa ulat ng pulisya, nahuli ang isang lalaki at babae na suspek na nagsasagawa ng umano’y “paihi” o ang ilegal na pagsasalin ng produktong petrolyo mula sa fuel tanker patungo sa van.

Kung saan wala itong kaukulang permit o awtoridad mula sa Department of Energy o DOE.

Nasamsam sa nasabing operasyon ang nasa mahigit 1.5 milyong pisong halaga ng mga ebidensya kasama na rito ang isang improvised fuel tanker truck at van na naglalaman ng diesel.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga naarestong indibdwal.

Facebook Comments